Isang up-and-coming male model ang nakapanayam ng natin kamakailan. Siya ay si Ken Alfonso, ang pinakabagong talent ng Mercator Artist and Model Management, na kinabibilangan din ng mga Brazilian-Japanese models na sina Daniel Matsunaga, Hideo Muraoka, at Fabio Ide. Kennedy Alfonso ang buong pangalan ng binata mula sa Laguna. Magkasabay silang inilunsad ng TV personality na si Winwyn Marquez noong May 31, sa isang launch party na ginanap sa Priv? Luxury Club sa The Fort, Bonifacio Global City, Taguig. Paano nga ba siya nadiskubre? “Actually, nasa Baguio ako noon, nagbabakasyon kami ng family ko and mga kaibigan ko,” kuwento ni Ken sa PEP. “’Tapos, nandoon din si Jonas [Gaffud, head ng Mercator], tapos nilapitan ako ng isa sa mga tao niya and then binigyan ako ng calling card. “And then after noon, doon na ako nag-start noong pagbalik ko sa Manila.” Sa Antipolo nakatira ngayon si Ken, at bago pasukin ang showbiz ay nanggaling siya sa corporate world. Isang medical repr...